Inaasahan kasing tatama sa kalupaan ang Typhoon Jebi na sa pagtaya ay ang pinakamalakas na tropical system na babayo sa kanilang bansa sa ngayon.
Inaasahang bukas, araw ng Martes tatama sa main island ang bagyo ayon sa Japan Meteorological Agency.
Ayon sa weather agency, sakop ng tatahakin ng bagyo ang Chugoko region kung saan ang naitalang pag-ulan noong Hulyo ay nagdulot ng malawakang pagbaha at pagguho ng lupa at ikinasawi ng nasa 220 katao.
Bagaman humihina ay tinatayang nasa 170 kilometro kada oras ang lakas ng hangin nito at 220 kilometro bawat oras ang pagbugso kapag tumama na sa kalupaan ng Japan.
Sa ngayon ay nasa typhoon season na ang Japan.
Noong August 23 ay tumama ang Typhoon Cimaron sa Japan na hanggang sa ngayon ay hindi pa humuhupa ang pagbaha sa ilang lugar partikular sa Honshu.