Pagsabog naganap malapit sa Masbate Port

PCG Photo

Nabulabog ng isang pagsabog dakong alas-12:30 ng Lunes ng hatinggabi ang Masbate Port sa Brgy. Bapor, Masbate City.

Nangyari ang insidente malapit sa Coast Guard Substation ng lungsod.

Ayon sa Police Regional Office 5 isang improvised explosive device (IED) ang ginamit sa pagpapasabog ng hindi pa nakikilalang mga salarin.

Kasalukuyang isinasagawa ang post-blast investigation ng Masbate City Police.

Walang nasaktan sa insidente ngunit napinsala ang dalawang speed boat.

Magugunitang isang pagsabog din ang naganap malapit sa pantalan noong Agosto kung saan isang bangka ang nasira.

Read more...