Yellow warning ang nakataas sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA), Quezon City, Maynila, San Juan at Marikina.
Posible ang pagbaha sa mga flood-prone areas ayon sa PAGASA.
Samantala, nakararanas ng mahina hanggang sa katamtaman na paminsan-minsan ay malalakas na pag-uulan sa Zambales, Bulacan, Rizal, Cavite at Batangas na posibleng tumagal ng dalawa hanggang tatlong oras.
Sabi ng PAGASA, asahan din ang mahina hanggang sa katamtaman na paminsan-minsan ay malalakas na pag-uulan sa Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Quezon, Laguna at nalalabing bahagi ng Metro Manila sa susunod na dalawang oras.
Inabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management councils na tumutok sa abiso ng PAGASA sa lagay ng panahon na ilalabas alas-7 mamayang umaga.