Bigtime oil price hike nakaamba ngayong linggo

Nakaamba ang isang bigtime oil price hike para sa mga motorista sa unang linggo ng Setyembre.

Sasalubong sa mga motorista ngayong linggo ang P1.10 hanggang P1.20 kada litrong pagtaas sa presyo ng diesel.

Inaasahan namang parehong papalo sa P0.90 hanggang P1 ang taas sa presyo ng kada litro ng mga produktong gasolina at gaas.

Ito na ang ikaapat na sunod na linggong may pagtaas sa presyo ng oil products.

Tuwing Martes kadalasang ipinatutupad ng mga kumpanya ang oil price adjustments.

Read more...