Mariing kinundena ng Philippine National Police (PNP) ang ikalawang pagpapasabog na naganap sa bayan ng Isulan sa Sultan Kudarat, Linggo ng gabi.
Tinawag ni PNP Chief, Director General Oscar Albayalde na isang gawain ng mga duwag ang naturang pagpapasabog na walang pakialam sa buhay ng mga madadamay na sibilyan.
Pagtitiyak ng heneral, tutugisin ng kanilang hanay ang nasa likod ng pambobomba. Aniya, hindi sila titigil hangga’t hindi napapanagot ang may gawa nito.
Inatasan na ni Albayalde ang buong hanay ng pulisya na dagdagan ang pagpapatrolya sa mga lansangan, maging ang paghihigpit sa seguridad.
Paiigtingin din aniya ng PNP ang koordinasyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang matiyak ang seguridad ng publiko.
MOST READ
LATEST STORIES