Dead on the spot ang isang babaeng papunta lamang sa simbahan matapos itong pagbabarilin sa Paquibato district sa Davao City, Linggo ng madaling araw.
Kinilala ang nasawing biktima na si Andrea Baguio, 68 taong gulang.
Batay sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad, sakay ng motorsiklo ang hindi nakilalang salarin.
Nabati na isang kalibre 45 baril ang ginamit sa pamamaslang.
Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad upang malaman ang motibo sa krimen.
MOST READ
LATEST STORIES