PNP Davao nasa full alert status kasunod ng bagong pagsabog sa Sultan Kudarat

Itinaas ng Philippine National Police Regional Office 11 ang lahat ng kanilang units sa full alert status.

Ito ay kasunod ng ng panibagong pagsabog na naganap sa Isulan, Sultan Kudarat na ikinasawi ng isang 18-anyos na lalaki at 14 katao.

Ayon kay PNP Regional Office 11 spokesperson Police Chief Inspector Milgrace Driz, inatasan na ni Police Chief Superintendent Marcelo Morales ang buong pwersa ng Davao police na paigtingin ang ipinatutupad na seguridad.

Ayon kay Driz, inutos ang pagpapalakas sa intelligence monitoring at koordinasyon sa iba pang law enforcement agencies.

Idineklara na rin ni Philippine army 6th Infantry Division Commander Brigadier General Cirilito Sobejana ang lockdown sa Isulan.

Sinabi ni Sobejana na posibleng nasa lugar pa ang suspek nang ideklara ang lockdown.

Read more...