LOOK: Kondisyon ng Boracay Station 1

DOT

Ibinahagi ng Department of Tourism (DOT) Linggo ng hapon ang dalawang larawan ng isang magandang white sand beach.

Sa pamamagitan ng Twitter post ay tinukoy ng kagawaran na ito ay ang Station 1 ng Boracay White Beach makalipas ang 125 araw na pagsasara sa isla.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasara sa isla mula noong Abril para isailalim sa rehabilitasyon.

Muling pasisinayaan ang Boracay sa dry run na isasagawa sa October 15 hanggang 25 kung saan papayagan ang ilang mga residente ng Aklan at piling mga turista na bumalik sa isla.

Magaganap naman ang ‘ssoft opening’ ng isla sa October 26.

Sa isang hiwalay na Twitter post ay ibinahagi ng DOT ang listahan ng 25 accomodation establishments na mayroong 2,063 rooms kung saan pwede nang magpabook ang publiko sa pagbubukas muli ng isla.

Read more...