Nakalabas na mula sa St. Luke’s Medical Center si Arnold Padilla na isang motoristang nang-harrass umano sa mga barangay traffic enforcer nitong nakaraang buwan.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar, bagaman nakalabas na ng ospital si Padilla ay nakaranas naman ito ng pagtaas ng kanyang blood pressure.
Kaya naman nakipag-usap ang chief ng NCRPO Regional Health Service na si Police Superintendent Jose Bautista sa mga doktor at legal counsel ni Padilla at napagkasunduang ilipat ito sa Philippine Naitonal Polcie General Hospital sa loob ng Camp Crame upang patuloy na ma-obserbahan.
Matatandaang August 24 nang salakayin ng pulisya ang bahay ni Padilla at kanyang apartment unit kung saan narekober ang ilang mga baril at dalawang granada.
Unang nagviral si Padilla at kanyang live-in partner matapos mahuli sa CCTV ang kanilang panghaharass sa mga traffic enforcer na humuli sa kanila dahil sa traffic violation.