Inaasahang aabot sa $85 milyong investment deals ang iuuwi ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa kanyang pagbisita sa Israel at Jordan.
Ito ang sinabi ni Department of Trade and Industry Sec. Ramon Lopez sa panayam ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson.
Sinabi ni Lopez na maraming pribadong negosyo mula sa dalawang bansa ang gustong mamuhanan sa Pilipinas.
Sakop ng investments ang 1,000 cross-border arrangements at posible rin anya ang dalawang joint ventures ng dalawang kumpanya.
Ayon pa kay Lopez, nakipag-ugnayan na rin ang DTI sa kanilang mga counterparts sa dalawang bansa para sa sinasabing investment deals.
Kasama ni Pangulong Duterte si Lopez sa kanyang pagbisita sa Israel.
MOST READ
LATEST STORIES