Inamin ng aktres na si Dakota Johnson na kinailangan niyang sumailalim sa therapy matapos niyang gumanap sa horror movie na ‘Suspiria’.
Sa premiere night ng naturang pelikula sa Venice film festival, sinabi ni Dakota na dahil ito sa masyadong madilim na uri ng pelikulang ginawa niya na idinerehe ni Luca Guadagnino.
Paliwanag ng aktres, may mga pagkakataon na nananatili sa isang tao kapag ang mga katulad na bagay ang ginagawang proyekto.
Dagdag pa nito, malaking tulong ang magroong makausap at ito ang ginawa ng kanyang therapist.
Sa pelikulang ‘Suspiria,’ gumanap si Dakota bilang isang babaeng mayroong obsession sa isang dance group at nasangkot ito sa isang cult ng modern witches kung saan isa-isa sa mga dancer ng grupo ang nawawala.
MOST READ
LATEST STORIES