Isang IED sumabog sa Isulan, Sultan Kudarat

(UPDATED AS OF 11:50PM) Isa na namang pagsabog ang naganap sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat.

Batay sa paunang impormasyon, sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa loob ng isang computer shop sa Valdez Street, Barangay Kalawag 2 sa naturang bayan, bandang alas-7:30 ng gabi.

Isa na ang naitalang nasawi dahil sa insidente, habang 14 naman ang sugatan. Mula sa naturang bilang, apat ang nasa kritikal na kundisyon.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Oscar Albayalde ang nasawi ay isang 18 taong gulang na idineklarang dead on arrival sa ospital.

Kinilala ang mga sugatan na sina Dave Leliza, Kyle Solis, Paul Leterero, Jerson Bucoy, Raymart Agac Ac, Marialyn Luda, Ivan Letrero, Rowe John Kinazo, Jane Allaga Pequerda, Timothy Falcis Pequerda, Rosalie Pagulidan, Joshua Sumblingo, at Fred Casamayor.

Ayon kay Isulan Mayor Maritess Pallasigue, patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa nangyaring pambobomba.

Ang insidente ay wala pang isang linggo matapos magkaroon ng kaparehong pagsabog sa Isulan, kung saan tatlo ang naitalang nasawi at mahigit 30 ang sugatan.

Read more...