Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesman Capt. Arman Balilo, ang naturang sasakyang-pandagat ay mula saTagbilaran, Bohol patungong Cebu.
Sa mga litrato ng Cebu Port Authority, makikita na nabalot ng makapal na usok ang ferry.
As of 1:30 ng hapon, patuloy ang pag-apula sa apoy ayon kay Balilo.
Pero nasagip na ang lahat ng 97 pasahero at 27 crew ng ferry matapos ang isinagawang rescue operations.
Sa port advisory, wala muna biyahe para sa Tagbilaran mula sa Port of Taloot, Arago dahil sa pagkasunog ng M/V Lite Ferry 28.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na detalye kung ano ang sanhi ng sunog subalit tiniyak ng mga otoridad na iimbestigahan ito.