Thunderstorm advisory, itinaas ng PAGASA sa Batangas

Credit: PAGASA

Naglabas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa lalawigan ng Batangas.

Sa abiso ng weather bureau, makararanas ang nasabing lalawigan ng mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin dahil sa thunderstorms.

Iiral ang naturang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, inabishan naman ng PAGASA ang publiko sa posibleng pagbaha at landslides.

Read more...