Inihayag nina dating United States presidents Barack Obama at George W. Bush na sila ay naging mas mabuting lider ng bansa dahil kay Senator John McCain.
Sa seremonya ng libing ni McCain, sinabi ni Obama na naging mas mabuti rin ang lagay ng Senado at ng bansa dahil sa kaniyang kaibigan na isinalarawan niya bilang “extraordinary man.”
Ayon pa kay Obama, hindi mapagkakaila ang sinseridad at pagiging makabayan ni McCain para sa Amerika.
Pinuri rin ni Bush ang dating naging katunggali sa 2000 presidential race.
Anila, maaaring maabot ng US politics ang standards na ginawa ni McCain.
Samantala, hindi naman dumalo si US president Donald Trump sa naturang seremonya.
MOST READ
LATEST STORIES