May sakit na ama, inspirasyon ni Ken Chan sa trabaho

Inquirer file photo

Nagsisilbing inspirasyon ni Kapuso star Ken Chan ang kanyang tatay na may sakit.

Na-diagnose kasi ang kaniyang ama ng stage 2 Esophageal cancer.

Pag-aamin ng aktor, mahirap magtrabaho lalo nang alam niyang may malubhang sakit ang kaniyang ama.

Ngunit tuwing nakikita aniya niyang masaya ang kaniyang ama, nagbibigay ito ng lakas ng loob sa kabila ng kondisyon nito.

Dagdag pa ng aktor, malaking tulong sa kanilang pamilya ang proyektong “My Special Tatay.”

Sa ngayon, dumaan na sa isang surgery ang kaniyang ama at nakatakdang namang magsimula ng chemotherapy ngayong buwan ng Setyembre.

Read more...