17-anyos na binatilyo, sinaksak ng barbecue stick ang isang 16-anyos na menor de edad sa Caloocan

 

Sugatan ang isang 16-anyos na menor de edad matapos saksakin sa leeg ng isang 17-anyos na suspek sa Caloocan City.

Ayon sa Caloocan City Police, kinilala ang biktima na si Gardson Mendez, residente ng 1012 Estimada, Salomon Street, Sarangay 8, Dagat-Dagatan sa naturang siyudad.

Ang suspek naman ay nagngangalang Kenneth Mariano, na taga-Barangay 73, PNR Compound, Caloocan.

Batay sa imbestigasyon ng mga pulis, naganap ang pananaksak sa harap ng isang burget store sa Sangandaan, Barangay 5, sa Caloocan, dakong 9:50 Sabado ng gabi (September 1).

Galing sa isang birthday party si Mendez kasama ang kanyang kaibigan, at nang naglalakad sila pauwi ay hinarang sila ni Mariano sa hindi malamang dahilan.

Hanggang sa sinaksak ng suspek ang biktima sa leeg gamit ang isang barbecue stick.

Agad na tumakas si Mariano, habang si Mendez ay isinugod sa Caloocan City Medical Center para gamutin.

Nagsasagawa na ang mga pulis ng follow up investigation para sa paghuli sa suspek.

Kamakailan lamang ay naging laman ng balita ang pagpatay ng isang 15-anyos na binatilyo sa isang 14-anyos na biktima, gamit ang dos-por-dos.

 

Read more...