WATCH: Isang babae, nadundol matapos tumawid sa EDSA

 

“Wag po tularan. Ugaliing tumawid sa tamang tawiran.”

Yan ang caption ng dashcam video na ipinost sa Facebook ni Davelyn Lastimosa Ines, kung saan mapapanuod ang pagtilapon ng isang babae makaraang mabundol ng isang sasakyan sa EDSA Northbound lane, partikular sa tapat ng ETON Centris.

Kita sa video na mistulang pinilit ng babae na tumawid sa EDSA, kahit pa mabibilis ang takbo ng mga sasakyan.

Hanggang sa masapol na isang silver na SUV ang babae, na napahandusay sa kalsada.

Batay sa post ni Ines, naganap ang insidente noong August 31 pa.

Pero ayon sa Quezon City Police District, hindi naireport sa kanila ang insidente.

Wala pang pagkakakilanlan ang babae na nabundol.

Read more...