Kinumpirma ng isang US Defense official na dadalaw sa Beijing sa susunod na linggo ang pinuno ng US Pacific Command.
Ito’y sa gitna ng tensyon na nilikha ng paglalayag ng US Destroyer na USS Lassen sa karagatang sakop ng Subi Reef na ilang milya lamang ang layo sa reclamation project ng China sa West Philippine Sea.
Ayon sa impormasyon mula sa Pentagon, personal na makikipag-pulong sa kanyang mga conterparts si US Pacific Command Commander Harry Harris at inaasahang sesentro ang pulong sa bilateral military exchanges ng dalawang bansa.
Nauna nang binatikos ng China ang U.S sa ginawang “political provocation” ang Amercia ng payagan nilang magsagawa ng sailby ang US Destroyer sa inaangking lugar ng China.
Dahil sa nasabing pangyayari ay kaagad na pinatawag ng Beijing para pagpaliwanagin si US Ambassador Max Baucus.
Ayon sa impormasyon mula sa Pentagon, magaganap ang nasabing courtesy visit sa pagitan ng November 2 hanggang 5 bagay na ayaw namang kumpirmahin ng Chinese government.