Pope Francis nanawagang linisin ang mga karagatan

Nanawagan si Pope Francis sa lahat ng mamamayan na linisin ang mga karagatan na namemeligro dahil sa panganib ng plastic waste.

Sa kanyang mensahe sa ikaapat na World Day of Prayer for the Care of Creation, sinabi ng Santo Papa na hindi dapat hayaang mapuno ang karagatan ng hindi matiyak na dami ng floating plastics.

Ikinalulungkot ng lider ng Simbahang Katolika na hindi matagumpay ang ilang mga pagsusumikap na linisin ang mga karagatan dahil sa hindi epektibong pagpapatupad ng mga batas lalo na sa pagproteka sa marine areas.

Iginiit din ng Santo Papa na isang ‘basic and universal human right’ ang access sa ligtas na inuming tubig.

Ayon kay Pope Francis, hindi naibibigay ng mundo partikular sa mga mahihirap ang karapatan sa inuming tubig na isa dapat panlipunang pananagutan.

Read more...