Lalaki patay sa pamamaril sa Caloocan City

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang bumibili lamang ng manok sa Bagong Silang, Caloocan City.

Kinilala ang biktima na si Franky Magalona, 27 anyos, residente ng Brgy. 176.

Ayon sa Caloocan City Police, isang lalaking sakay ng tricyle ang bumaril sa biktima.

Dead on the spot si Magalona matapos magtamo ng tama ng baril sa kanyang ulo at katawan.

Hindi naman naplakahan ang sinasakyang tricycle ng suspek na agad tumakas matapos ang krimen.

Tatlong basyo at dalawang deformed bullets ng hindi pa tukoy na kalibre ng baril ang narekober sa crime scene.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa pamamaril sa biktima.

Read more...