DTI inilabas ang bagong SRP ng prime commodities

Inilabas ng Department of Trade and Industry araw ng Sabado ang pinakabagong suggested retail prices (SRP) ng mga pangunahing bilihin.

Batay sa datos ng DTI hanggang sa petsang August 6, 2018, tumaas ng P.40 hanggang P1 ang bagong SRP ng ilang pangunahing produkto.

Pinalawak naman ng ahensya ang mga SRP at kabilang na ang mga premium brands.

Ito ay para malaman ng mga mamimili ang iba pang brands na pwede nilang pagpilian.

Una nang tiniyak ng DTI na hindi naman tataas ang presyo ng ibang bilihin sa holiday season kasama ang noche buena items.

Read more...