5 magkakapatid na nasawi sa sunog sa Maynila, nailibing na

Inihatid na sa kanilang huling hantungan ang limang magkakapatid na nasawi sa sunog na naganap noong Lunes sa Tondo, Maynila.

Matatandaang nagdalamhati ang publiko sa pagkamatay ng lima na ang mga larawan ay nagviral sa social media.

Dinumog ang libing ng magkakapatid sa Manila North Cemetery kung saan daan-daang kaanak, kapitbahay at kaibigan ang nakiisa.

Pagdating sa sementeryo ay binigyan ng mga bumbero ng water salute ang mga biktima bilang tanda ng respeto.

Inaasahang pupunta ang mga magulang ng mga bata sa Bureau of Fire Protection Arson Division upang ibigay ang kanilang opisyal na pahayag tungkol sa insidente.

Sa paunang mga ulat, naganap ang sunog noong bumibili lamang umano ng pagkain ang magulang ng mga bata.

Read more...