Pinoy boxer wagi ng silver medal sa Asian Games

Silver medal ang nasungkit ng Pilipinong boksingero na si Rogen Ladon matapos itong talunin ni Jasurbek Latipov ng Uzbekistan sa Men’s Flyweight (52 kg) event sa 2018 Asian Games sa Indonesia.

Maagang tinapos ng mga doktor ang laban sa ikalawang round dahil nagtamo si Ladon ng cut sa kanyang kaliwang mata bunsod ng aksidenteng headbutt.

Wagi si Latipov sa score na 3-1 habang si Ladon ay nagbigay sa Pilipinas ng ikalawang silver medal ng bansa.

Nagkaroon ng tsansa ang 24 anyos na tubong Negros Occidental sa gold medal matapos umabante sa flyweight final sa unanimous 5-0 win noong Biyernes.

Bukod sa 2 silver medals, una nang nakuha ng bansa ang 4 na gold medals at 15 bronze medals.

Pang-19 ang Pilipinas sa ranking sa Asian Games na nakatakdang magtapos ngayong araw.

Read more...