Pastor na nanghipo kay Ariana Grande, nagsorry

Humingi ng paumanhin kay Ariana Grande at sa fans nito ang Bishop ng Greater Grace Temple na si Pastor Charles H. Ellis III.

Ito ay matapos umani ng batikos ang pastor matapos magviral ang mga larawan at video ng umano’y panghihipo nito sa popstar.

Nangyari ang insidente sa kasagsagan ng funeral rites para sa tinaguriang ‘Queen of Soul’ na si Aretha Franklin.

Makikita sa mga larawan an tila paghimas ng preacher sa gilid ng dibdib ni Grande.

Sa kanyang apology na inilabas ng Associated Press, sinabi ni Pastor Charles na kailan man ay hindi niya magiging intensyon na humawak ng dibdib ng kahit sinong babae.

Maaari anyang sumobra lamang siya sa limitasyon ng pagiging masyadong ‘friendly’ o ‘familiar’ sa singer.

Dagdag pa nya, lahat ng artista, babae man o lalaki sa kasagsagan ng funeral rites ay kanyang niyakap,

Nagtrending sa social media sites ang #RespectAriana dahil sa insidente at binatikos nang husto ang pastor.

Bukod sa sinasabing panghihipo ay marami rin ang nainis sa pagbibirong ginawa ng pastor sa pangalan ni Ariana at sinabing kawalan ito ng respeto sa pagiging solemne ng pagdiriwang.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ni Ariana sa insidente.

Samantala, namatay si Aretha Franklin sa edad na 76 dahil sa sakit na cancer.

Read more...