Duterte pinayuhang tutukan ang napabayaang ekonomiya ng bansa

Hinimok ni Senator Panfilo Lacson si Pangulong Rodrigo Duterte na ipaubaya na sa Philippine National Police (PNP) ang war on drugs ng kanyang administrasyon at bagkus ay mag-focus sa ekonomiya ng bansa sa gitna ng pagsipa ng presyo ng mga bilihin.

Ayon kay Lacson, tila sumentro ang administrasyong Duterte sa kampanya laban sa iligal na droga at napabayaan ang problema sa inflation na tinatayang 5.9% ang pagtaas sa Agosto.

Noong Hunyo ay nasa 5.2% ang inflation rate at noong Hulyo ay tumaas sa 5.7%, pinakamataas sa mahigit 5 taon.

Nasobrahan anya ang focus ng gobyerno sa anti-drugs campaign nito.

Kung pwede anya ay ituon naman ng pangulo ang kanyang galit sa hindi magandang nangyayari sa ekonomiya ng bansa.

Paliwanag ng Senador, kaya na ng PNP ang problema sa droga habang nireresolba naman ng Pangulo ang mga isyu sa ekonomiya.

Samantala, ito rin ang posisyon ni Senator JV Ejercito dahil panahon na anya na maging “hands-on” ang pangulo sa pagtugon sa mga importanteng problema na kinakaharap ng bansa ngayon.

Sa nakaraang mga taon anya ay naipakita na ng pangulo na seroyoso siya sa war on drugs.

Hindi anya dapat hayaan ng pangulo na economic managers lang nito ang magreresolba sa problema sa presyo ng mga bilihin at sa ekonomiya.

Read more...