MMDA: Towing operations tuloy maliban sa Mabuhay lanes

Inquirer file photo

Itinanggi ng Metro Manila Development Authority o MMDA na ipatutupad nila sa buong Metro Manila ang “towless policy” sa mga illegally parked na sasakyan.

Nilinaw ni MMDA Spokesperson Asec. Celine Pialago na ipapatupad lamang nila ang towless policy sa Mabuhay lanes habang tuloy ang towing sa iba pang major thoroughfares.

Inihalimbawa ni Pialago ang Baclaran area na tuloy pa rin ang paghatak sa mga sasakyang nakaharang sa mga kalsada.

Ayon kay Pialago, nakapag-isyu na sila ng nasa 100 tiket sa dalawang araw na towless policy sa mga Mabuhay lane.

Sa datos ng MMDA mayroong kabuuang 17 Mabuhay routes sa buong Metro Manila.

Ang nasabing mga secondary roads ang siyang inirerekomenda ng MMDA bilang alternatibong kalsada sa Edsa.

Read more...