Muling naka-umang ang panibagong oil price hike sa susunod na linggo.
Sinabi ng ilang insider sa oil industry na aabot sa P0.93 kada litro ang magiging dagdag sa presyo ng diesel.
Aabot naman sa P0.63 bawat litro ang dagdag sa halaga ng gasolina samantalang P0.74 naman sa kerosene o gaas.
Ang panibagong dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ay iniuugnay pa rin sa mataas na bentahan nito sa world market.
Ito na ang ikatlong sunod na linggo na nagpatupad ng price increase ang mga kumpanya ng petrolyo.
Samantala, simula ngayong araw Setyembre 1 ay nagpatupad ng hanggang sa P2.00 kada kilo na dagdag ang ilang kumpanya ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) para sa kanilang 11-kilogram cylinder.
Sa kanilang naunang mga pahayag ay kanilang sinabi na mataas ang demand ngayon ng LPG sa world market.
Ang Department of Energy ay nagsabi na tuloy ang kanilang inspeksyon sa mga gasoline station para matiyak na dumadaan sa tamang calibration ang kanilang mga fuel dispenser.