4 patay sa nahulog na trak sa bangin sa Atimonan, Quezon

Patay ang apat katao sa vehicular accident na nangyari sa Atimonan, Quezon kaninang umaga.

Sa ulat ng Quezon Provincial Police Office, sakay ng isang 10-wheeler delivery truck ang mga biktima nang mahulog ito sa bangin at nasunog pasado alas-tres ng madaling araw.

Kabilang sa mga namatay ay ang hindi pa pinapangalanang tsuper at tatlo sa kanyang mga pahinante.

Namatay ang mga biktima nang hindi kaagad sila nakalabas na nasunog na trak.

Inabot nang hanggang kaninang alas-dyes ng umaga ang isinagawang retrieval operation sa pinangyarihan ng aksidente.

Sa ulat ng Quezon Provincial Police Office ay kanilang sinabi na accident prone area ang lugar kung saan anim na aksidente na ang kanilang naitala simula pa lamang noong buwan ng Enero.

Read more...