Mga hukuman sa bansa half-day lang ang pasok sa October 30

CJ Serreno
Inquirer file photo

Naglabas ng advisory ang Supreme Court na nagdedeklarang half-day lamang ang pasok sa Biyernes, October 30.

Sinabi ni Supreme Court spokesman Atty. Theodore Te na nilagdaan ni Chief Justice Ma. Lourdes Serrano ang nasabing kautusan para mabigyan ng pagkakataon ang mga nasa hudikatura na makapag-handa para sa araw ng Undas.

Nakasaad sa court advisory na bukas ang mga hukuman sa Biyernes nang mula alas-otso ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali lamang.

Sa Lunes, November 2 ay balik ang normal na operasyon ng Supreme Court at ng mga hukuman sa buong bansa base pa rin sa nilagdaang advisory ng Punong Mahistrado ng Supreme Court.

Read more...