WATCH: Lasing na lalaki, nang-agaw ng baril ng gwardya ng LRT

Viral ngayon sa social media ang pagwawala ng isang lalaki sa Pedro Gil Station ng LRT 1.

Sa post ng isang Allan James Onduna Macasulong, makikita na nakipagbuno ito sa guwardya.

Nahulog ang dalawa sa hagdan at inagaw pa ng lalaki ang baril ng guard.

Ayon sa impormasyon mula sa Light Rail Manila Corporation (LRMC) lasing ang lalaki nang magtangkang pumasok sa LRT.

Sa video, makikita na duguan ang damit ng guard.

Inaresto ang lalaki at naposasan sa pagtutulungan ng mga gwardya at ilang netizens.

Hindi pinapayagan ng LRT ang pagsakay ng mga pasaherong lasing.

Read more...