NFA officials, kumain ng binukbok na bigas

Kumain ang mga opisyal ng National Food Authority (NFA) sa Bicol ng imported na bigas na sumailalim sa fumigation sa loob ng 12 araw matapos tamaan ng pesteng bukbok.

Ang bigas ang kinain ng mga opisyal at ilang katao sa tanghalian bilang patunay sa publiko na ligtas na ito para kainin.

Dumaan sa fumigation ang libo-libong sako ng bigas mula saThailand matapos madiskubre ng Bureau of Plant Industry na nabukbok ang mga ito habang nasa loob ng MV Emperor I na nagdala sa kargamento sa Tabaco City port.

Ayon kay NFA Bicol director Henry Tristeza, kailangang isagawa ang palatability test para makita ng mga tao na ang 177,000 bags ng bigas na na-fumigate ay ligtas kainin at mabuti sa kalusugan ng tao.

Sinabi ng isa sa mga kumain na ang bigas ay kalasa ng commercial rice at mabango ang amoy nito.

Samantala, pansamantalang inihinto ang pagbababa ng fumigated rice dahil sa ulan.

Tiniyak ni Tristeza na oras na bumuti ang panahon ay agad na idedeliver ang mga bigas sa mga bodega ng NFA sa rehiyon.

Read more...