M5.2 na lindol yumanig sa Occidental Mindoro

(UDATED as of 11:20PM) Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Occidental Mindoro alas-10:40 gabi ng Biyernes.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 16 kilometro Hilagang-Kanluran ng Abra de Ilog.

May lalim ang pagyanig na 112 kilometro at tectonic ang dahilan.

Naitala ang Intensity IV sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro at Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Intensity II naman ang naramdaman sa Pasig City at Quezon City.

Instrumental Intensity IV ang naitala sa Calatagan, Batangas at Puerto Galera.

Instrumental Intensity III sa Calapan, Oriental Mindoro; Bacoor, Cavite; Las Piñas City; Muntinlupa City; San Jose, Occidental Mindoro at Olongapo City.

Instrumental Intensity I sa Gumaca, Quezon; Marikina City; San Juan City; Quezon City; San Ildefonso at Malolos sa Bulacan at sa Guagua, Pampanga.

Ayon sa Phivolcs, hindi inaasahan pinsala sa mga ari-arian ngunit posible ang aftershocks.

Read more...