M3.2 na lindol, naitala sa Davao Oriental

Naitala ang magnitude 3.2 na lindol sa Davao Oriental alas-4:30 ng madaling-araw ng Sabado.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 152 kilometro Silangan ng bayan ng Governor Generoso.

May lalim ang pagyanig na anim na kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman inaasahan ang aftershocks at pinsala sa ari-arian ayon sa Phivolcs.

Read more...