Gilas Pilipinas, 5th place sa 2018 Asian Games basketball

Tinapos ng Philippine men’s basketball na Gilas Pilipinas ang kanilang pagsabak sa 2018 Asian Games, bilang 5th place.

Ito ay makaraang talunin at tambakan ng koponan ng basketball team ng Syria sa iskor na 109-55 sa kanilang laro ngayong Biyernes (August 31) sa Jakarta, Indonesia.

Pinakamataas ang nai-ambag sa Team Pilipinas ni Jordan Clarkson na 29 points, na sinundan ni Christian Standhardinger na tumira ng 27 points.

Laking pasasalamat ng Gilas kay Clarkson na naglaro at itinayo ang bandila ng bansa sa naturang international sports event.

Umani naman ng papuri mula sa mga Pinoy ang coach ng koponan na si Yeng Guiao, na bagama’t bitin sa preparasyon at pagbuo ng team ay maganda ang nagawa sa Asian Games.

Nauna nang natalo ang Gilas Pilipinas sa basketball match nito kontra China at South Korea.

Samantala, dahil tapos na ang Team Pilipinas Asian Games ay tututok na sila sa FIBA Basketball World Cup qualifiers na gaganapin sa Setyembre.

 

Read more...