Humingi na ng tawad ang babaeng nasa viral video na nag-In My Feelings dance sa EDSA Kamuning flyover.
Kinumpirma ito ni Metropolitan Manila Development Authority o MMDA Spokesperson Celine Pialago.
Ayon sa opisyal, personal na nag-sorry ang babae na kinilalang si Micha Anne Gabuten.
Nagtungo aniya ang dalaga sa kanyang tanggapan dakong alas-onse ng umaga, ngayong Biyernes (August 31).
Nangako si Gabuten na handa nitong pagbayaran ang lahat ng nagawa niyang traffic violations, kabilang na ang jay walking na may katumbas na P500 na multa.
Ang kaibigan ni Gabuten na siyang driver ng sasakyan ay kusang isinuko ang lisensya upang matiketan.
Sinabi ni Pialago na sa paghingi ng paumanhin ay umaasa si Gabuten na huhupa na ang pangba-bash ng netizens.
Sa batikos na inabot, minabuti ng dalaga na burahin ang video na nakapost sa kanyang Youtuve account, at nagdeactivate na rin siya ng social media accounts.
Nauna nang pinahanap ng MMDA si Gabuten at hinamon na sumuko na lamang matapos ang inaning batikos dahil kanyang Kiki dance sa EDSA na nangyari noon pang August 1.