WATCH: Isang pabrika ng picture frames sa QC, nasunog

Kuha ni Jun Corona

Nasunog ang isang pagawaan ng picture frames sa Tindido St. malapit sa A. Bonifacio Avenue, Barangay San Jose sa Quezon City.

Ayon sa BFP, mabilis na kumalat ang apoy dahil sa mga kahoy at kemikal na nasa loob ng pagawaan na pag-aari ng Carnie Castle Company Incorporated.

Ini-akyat sa ikatlong alarma ang sunog, na umabot ng pitong oras. Tuluyang naapula ang apoy dakong 4:30 ng hapon. May kumpletong balita si Erwin Aguilon.

 

 

Read more...