Mga alegasyon ni Pang. Duterte, “recycled rants” – VP Robredo

Binuweltahan na ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y makaraang sabihin ni Duterte na mas mainam para sa Pilipinas ang isang diktador gaya ng “Marcos” kaysa sa isang lider tulad ni Robredo, at may ebidensya raw ang presidente na sangkot sa droga ang bayaw ng bise presidente.

Sa isang statement, sinabi ni Robredo na ang mga alegasyon ni Duterte ay “recycled rants” na ginagamit para pagtakpan ang mga kabiguan ng administrasyon.

Ayon pa sa VP, mas mabuti pa kung tutugunan ng presidente ang mahahalagang suliranin gaya ng pagtaas ng presyo ng mga produkto tulad ng bigas at iba pang serbisyo.

Banat pa ni Robredo, maaaring gamitin ng punong ehekutibo ang kanyang “podium” at kapangyarihan upang tiyakin sa publiko na nakatutok siya sa mga problema ng bansa.

Dagdag pa nito, imbes na magpaulit-ulit ang pangulo sa kanyang mga alegasyon at batuhin ng putik ang Naga City, pagtuunan na lamang niya ng pansin ang kaso ng P6.8 billion shabu shipment na naipuslit sa bansa.

Higit sa lahat, sinabi ni Robredo na sa halip na i-glorify ni Duterte ang isang diktador na nagnakaw at kumitil sa buhay ng maraming Pilipino, marapat na pag-isahin niya ang taumbayan at tiyakin sa mga tao na mapapakinggan ang kanilang mga boses.

 

Read more...