Ito’y makaraang magwagi via unanimous decision ang 24-anyos na boksingerong si Rogen Ladon laban kay Yuttapong Tongdee ng Thailand sa men’s flyweight division semifinals.
Sa iskor na ng mga hurado na 30-27, 30-27, 29-28, 29-28, 30-27, panalo si Ladon kontra kay Tongdee.
Dahil dito, umabante si Ladon sa gold-medal match na nakatakdang gawin sa Sabado (September 1).
Makakatunggali ng Pinoy boxer si Jasurbek Latipov ng Uzbekistan.
Sakali namang mabigong manalo si Ladon, tiyak pa rin na maiuuwi niya ang silver medal.
MOST READ
LATEST STORIES