Ang pasilidad, na matatagpuan sa Cagayan Sports Complex, sa Tuguegarao, ay ginawa sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan ng Cagayan at Office of the Civil Defense RO2.
Sa mga litratong ibinahagi sa Facebook ng Cagayan PDRRMO, makikita ang multi-purpose evacuation center kung saan kasya ang aabot sa dalawang daan at limampung katao.
Tiyak na ligtas din ang mga bakwit na mananatili sa evacuation center mula sa category 5 na lakas ng hangin o malakas na bagyo at magnitude 8 na lindol.
Bukod dito, maaaring gamitin ang multi-purpose evacuation center para sa community gathering activities ng mga residente.
Dagdag nito, ang inaabangang pagbubukas ng kanilang evacuation center ay testamento ng bagong simula at mas handang komunidad.
Ang Cagayan ay isa sa mga lalawigan na madalas na sinasalanta ng malalakas na bagyo.