Ayon kay MMDA Supervising Operations Officer Bong Nebrija, ang challenge o hamon niya sa naturang babae ay kusang sumuko sa mga ototidad, dahil sa ginawa nitong paglabag bunsod ng pagsasayaw ng #InMyFeelings dance.
Sinabi ni Nebrija na mas mainam kung personal na pumunta ang babae sa tanggapan ng MMDA at humingi ng paumanhin.
Giit ng opisyal, hindi dapat palagpasin ang ginawa ng babae lalo’t hindi tama ang ginawa nito.
Aniya, kung tutuusin ay puro mga bash imbes na “likes and shares” ang nakuha ng babaeng nasa viral video.
Paalala muli ni Nebrija sa lahat ng mga motorista, mahalaga na pairalin ang road courtesy at ikunsidera ang mga kapwa motorista.
Sa naunang pahayag ng MMDA, nakilala na ang babaeng nasa video na ngayong ay tinutunton na.
Hindi rin abswelto ang drayber na kasama ng babae, at mahaharap din sa mga kaso.