Mahigit 300 na lumabag sa city ordinances, arestado sa Maynila

Umaabot as tatlong daan at dalawampung katao ng dinampot ng Manila Police dahil sa paglabag sa iba’t ibang ordinances ng lungsod ng Maynila.

Ayon kay MPD Director Rolando Anduyan, dinakip ang mga naturang indibidwal sa ilalim ng Anti-Criminality campaign mula alas-singko ng umaga kahapon (August 30) hanggang alas-singko ng Biyernes ng umaga (August 31).

Kabilang sa mga nilabag na kautusan ng mga naaresto ay pag-inom ng alak sa pampublikong lugar, paglalakad na walang suot na damit na pang-itaas, paninigarilyo sa pampublikong lugar at iba pa.

Sa bilang na ito, 55 ang hinuli dahil sa pag-inom ng alak, 120 naman dahil sa paninigarilyo sa kalye, 99 ang walang suot na pang-itaas at 39 bunsod ng paglabag sa iba pang ordinances.

Paalala ni Anduyan sa mga Manilenyo, sumunod sa mga kautusan at batas dahil malaking istorbo kapag naaaresto.

 

Read more...