Pangulong Duterte kay Mayor Osmeña: ‘Sasampalin talaga kita!’

CDN Photo

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na sasampalin si Cebu City Mayor Tomas Osmeña sa anya’y mga pekeng akusasyon nito laban sa kanya tulad ng pagiging protektor ng kalakaran ng iligal na droga.
Sa kanyang talumpati sa selebrasyon ng 49th Charter Day ng Mandaue City, binatikos ng presidente ang alkalde dahil sa anya’y kayabangan nito at tila pag-angkin sa Cebu City bilang sariling pagmamay-ari.

Sinabi ni Duterte na sasampalin nito si Osmeña kung sila ay hindi magkakaintindihan.

“And you think kung manulti ka, mura kag si kinsa. Put*ng-*na, tamparuson gyud tika (You talk as if you’re somebody. I will really slap you),” ayon kay Duterte.

Giit pa ng pangulo, hindi na panahon ng Espanyol sa bansa at walang karapatan si Osmeña na sabihing protektor siya ng iligal na droga kahit apo pa ito ng dating pangulo.

“Hoy Tomas! Dili na ni panahon sa Katsila ha, kanang style nimo nga mura ka’g si kinsa. Taas kaayo ka manulti. Ingon pa ka nga ako protector ng shabu,” dagdag ng presidente.

Tumagal ang pagbanat ng presidente kay Osmeña ng mahigit limang minute sa kanyang talumpati na umabot ng isang oras at 13 minuto.

Read more...