Duterte sa ulat sa kanyang kalusugan: ‘Bastos ‘yang ABS-CBN. Fake news!’

CDN Photo

Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ABS-CBN dahil sa anya’y pagpapakalat ng pekeng balita tungkol sa kanyang kalusugan.

Ito ay sa kabila ng pahayag ng pangulo noong August 14 sa Malacañang na handa siyang palampasin na lamang ang isyu niya sa network.

Sa kanyang talumpati sa selebrasyon ng 49th Charter Day ng Mandaue City, tinawag na bastos at fake news ni Duterte ang ABS-CBN.

Iginiit ng pangulo na ang ABS-CBN ang nagbandera na malapit na siyang mamatay at gusto na siyang mamatay ng nasabing network.

Ang mga isyu tungkol sa kalusugan ni Duterte na binalita ay bumulwak matapos sabihin ni Communist Party of the Philippines founding Chairman Jose Maria Sison sa isang Facebook post na na-comatose ang pangulo.

Pinabulaanan ito ng presidente sa pamamagitan ng pagpapakita sa isang Facebook live video ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.

Makailang beses nang binanatan ni Pangulong Duterte ang ABS-CBN dahil sa hindi umano nito pagsasaere ng kanyang political advertisements kahit binayaran niya ang mga ito.

Read more...