Sinabihan ng Commission on Audit (COA) ang lokal na pamahalaan ng Marawi City na gamitin ang nasa P29.434 million na donasyon pangtulong sa mga residenteng nakaapektuhan ng kaguluhan sa lugar kasunod ng pagkubkob ng Maute group.
Base sa 2017 report ng COA sa Marawi City, hindi naging maganda ang paggamit sa kabuuang P39.695-million cash donations.
Nasa P10.261 million as of December 2017 ang nagamit ng local government.
Ayon sa COA ang mga nasabing donasyon ay pantulong sa mga residenteng naapektuhan ng kaguluhan sa Marawi.
Ang mababang rate sa paggamit ng mga ito ay labag sa layunin ng mga donasyon na makatulong sa mga residente.
Binigyang diin ng COA na sa kasagsagan ng kaguluhan noong nakaraang taon ay bumuhos ang mga cash donations mula sa ibat ibang indibidwal, organisasyon at mga ahensya ng gobyerno.
Ayon sa COA, dapat bumuo ang mga ito ng programang para sa maayos na paggamit ng natitirang mga donasyon.