PDP Laban at Duterte magpupulong ngayong araw para sa 2019 Senate slate ng Partido

Inihayag ni Sen. Koko Pimentel na nakatakda siyang makipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte at ilang opisyal ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ngayong araw.

Ito ay upang pag-usapan ang senatorial slate ng Partido para sa 2019 midterm elections.

Sa panayam ng mga mamamahayag, sinabi ng senador na mula sa 24 pangalan na isinumite sa pangulo ay bumaba na ang bilang sa 22.

Hindi na binanggit ni Pimentel kung sino ang naalis sa listahan na anya’y ayaw nang magpapilit dahil nagsabi na ang mga ito na hindi na tatakbo.

Umaasa anya siya na ngayong araw ay makatatanggap sila ng gabay mula sa pangulo kung paanong maisasapinal ang listahan.

Hindi anya siya umaasang maisasapinal na ang listahan ngayong araw ngunit masaya na siyang makapagbigay si Duterte ng suhestyon kung paano mababawasan ang bilang ng mga kandidato.

Read more...