Pagiging hot bed ng shabu ng Naga City pinanindigan ng pangulo

Pinanindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang una nitong sinabi na hot bed ng shabu ang Naga City na balwarte ni Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang talumpati sa Mandaue Cebu, inakusahan din ng Pangulo ang bayaw ni Robredo na nagdala umano ng illegal drug trade sa Bicol.

Hindi pinangalanan ni Duterte ang bayaw ng Pangalawang Pangulo pero una nang sinabi ni dating Naga City councilor Luis Ortega na sangkot sa droga si Butch Robredo, kapatid ni dating Naga Mayor at Interior Secretary Jesse Robredo.

Humirit na rin ang Malakanyang na imbestigahan ang pagkadawit ng bayaw ni VP Robredo sa iligal na droga.

Kinondena naman ni Robredo at ng mga opisyal ng Naga City ang alegasyon ng Pangulo.

Read more...