Presyo ng oil products at LPG, nagbabadyang tumaas

Sa ikaapat na sunod na linggo ay inaasahang tataas muli ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Batay sa unang tatlong araw ng trading, nagmahal na ng P0.93 ang kada litro ng diesel.

Ang gasolina naman ay nagtaas na ng P0.63 kada litro habang P0.74 ang dagdag sa kada litro ng kerosene o gaas.

Posible namang bumaba pa o lumobo ang presyo ng mga produktong petrolyo sa magiging resulta ng dalawang araw pa ng trading.

Samantala, simula Setyembre 1, o bukas, araw ng Sabado, inaasahang tataas ng P1.50 hanggang P2 ang kada kilo ng LPG.

Dahil dito posibleng umabot sa P16.50 hanggang P22 ang dagdag-presyo sa kada regular na tangke ng LPG.

Read more...