Sitwasyon sa bigas magiging normal na sa susunod na buwan – Malacañang

Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang sa publiko na ang sitwasyon ng bigas sa bansa ay magiging normal na sa susunod na buwan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay dahil magsisimula na ang main harvest seasoning bigas sa susunod na buwan.

“We foresee the rice situation normalizing because the main harvest is beginning to come in by next month,” ayon kay Roque.

Magugunitang tumaas ang presyo ng bigas sa ilang lugar tulad ng sa Zamboanga dahil sa kakulangan ng suplay.

Ipinagtanggol naman ng palasyo si Agriculture Secretary Emmanuel Piñol dahil sa umano’y mungkahi nito na payagan ang rice smuggling sa ilang bahagi ng Mindanao.

Ayon kay Roque, na-misquote lamang ang kalihim at ang rekomendasyon talaga nito ay ang pagbuo ng rice trading center sa rehiyon upang matiyak ang suplay ng bigas.

Read more...