Drug suspek na nanlaban sa mga pulis patay sa Bulacan

Nauwi sa palitan ng putok ang ikinasang buy bust operation ng mga otoridad sa Barangay Caniogan sa Malolos City, Bulacan.

Dead on the spot ang drug suspek na si Reynaldo Pontawe alyas Bojo.

Ayon kay Police Superintendent Heryl Bruno, hepe ng Malolos City Police, matapos ang transaksyon at aktong aarestuhin na ng mga otoridad si Pontawe ay nanlaban ito at bumunot ng baril, sabay pinagbabaril ang mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa agarang pagkamatay ni Pontawe.

Napag-alamang dati nang sumuko sa Oplan Tokhang ng pamahalaan ang suspek ngunit kabilang pa rin sa binabantayan sa drugs watchlist ng Barangay Caniogan.

Narekober mula dito ang isang piraso ng plastic sachet na may lamang shabu at isang hindi pa batid na kalibre ng baril.

Read more...